Ang gayuma ay isang ritwal o spell na ginagamit para mapaibig, mapabalik, o mapatino ang asawa o kasintahang nagloloko.
Hindi lang ito tumutukoy sa love potion na hinahalo sa pagkain o inumin. May iba’t ibang anyo ito, tulad ng ritwal sa pag-ibig na ginagamitan ng pangalan, salawal, laway, pabango, o langis.
Noong unang panahon, bahagi na ng pamumuhay ng ating mga ninuno ang paggamit ng gayuma sa pag-ibig.
Sa Visayas, kilala ang Jumaya, isang love potion na ginagamit ng mga babae para maakit ang isang lalaki, at mayroon din itong pangontra na tinatawag na buringot. Mayroon din silang lumay na iniaalok ng mga Negrito, isang uri ng insenso na pinapausok sa damit ng taong nais gayumahin.
Sa Pangasinan, may kuwento tungkol sa isang agimat na panggayuma na galing daw sa puso ng saging na nahuhulog tuwing hatinggabi.
Sa Surigao del Norte naman, gumagamit sila ng mga halamang gamot tulad ng dahon ng Dischidia at buto ng pandan para gumawa ng love potion.
Hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang paniniwalang ito sa iba’t ibang lugar sa bansa. Marami pa rin ang tumatangkilik dahil naniniwala silang nakatulong ito para maayos ang mga problema nila sa pag-ibig.
Hindi masama ang gayuma kung mabuti ang intensyon. Nagiging masama lang ito kapag ginamit sa panloloko, paghihiganti, o kung nakakasira na ng relasyon ng iba. Kapag ginawa rin ito nang hindi tama ang proseso, may posibilidad na magkaroon ng hindi magandang balik.
Kapag hindi tama ang proseso o masama ang layunin, magkakaroon talaga ito ng hindi magandang epekto.
Isa na diyan ang biglaang pagbabago ng ugali ng ginagayuma, gaya ng pagiging iritable at madaling uminit ang ulo. Posible rin na magkaroon ng sobrang pagkahumaling sa nanggagayuma hanggang sa napapabayaan na niya ang sarili. May mga pagkakataon ding nakararanas siya ng madalas na pagkapagod, pagkalito, at pagiging sakitin. Minsan, imbes na mapalapit ang target sa gumagayuma, mas lalo pa itong lumalayo o nagagalit.
Base sa mga naging kliyente ko, mas lalo pa raw lumala ang sitwasyon nila nang gumawa sila ng ritwal na nakita lang nila sa YouTube. Tandaan na hindi basta-basta gumagawa ng mga ritwal, dahil mahalaga na malaman muna sa pamamagitan ng psychic reading kung makakatulong ba talaga ito sa iyo. Kaya mas mainam na ipagkatiwala ito sa mga taong may tunay na karunungan at karanasan sa paggawa ng gayuma.
Oo, pwede itong kontrahin, lalo na kung mali ang pagkakagawa at nagdulot ng hindi magandang epekto. Kailangan munang alamin kung paano ito isinagawa para malaman kung paano rin ito papawalan ng bisa.
Kung gusto mo ng mabisang gayuma sa pag-ibig na walang masamang balik, matutulungan kita. Paki-fill out lang ang form sa ibaba para makakuha ng slot para sa libreng konsultasyon. I-check mo rin ang iyong email sa loob ng 24 hours para sa resulta.
Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin ang form na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9
Hindi naipadala ang mensahe mo dahil nagka error sa system. Pakiclick na lang ang button sa ibaba para magamit ang alternative na form.