Pinaniniwalaan na may koneksyon ang mga linya sa ating palad sa ating personalidad, at maging sa mga pangyayari sa ating buhay. Ating suriin ang linya ng pag-ibig sa ating palad upang makita natin ang mga pagsubok sa ating love life na maaaring nararanasan na natin, o mararanasan pa lang. Alin sa dalawang palad ang iyong titingnan? Kung ikaw ay kananete o madalas na ginagamit ang kanang kamay, ito ang iyong pagbabasehan. Kaliwa naman kung ikaw ay kaliwete o madalas na ginagamit ang kaliwang kamay. Kung ang linya ng pag-ibig ay maikli, o umaabot lang hanggang sa gitnang daliri, o wala ang linyang ito sa palad, ang taong nagtataglay nito ay makasarili, may makitid na pag-iisip, at padalos-dalos kaya madalas na nakakapanakit ng iba. Kaya naman madalas silang nilalayuan ng mga tao sa kanilang paligid. Kung nagtataglay ng mga ganitong katangian, sikapin na mapaunlad ang sarili upang bumuti ang buhay pag-ibig. Ang mga tao naman na nagtataglay ng linya na mahaba ay sobrang mapagmaha