Gusto mo bang malaman kung mahal ka pa ng iyong kabiyak, may nararamdaman din ba sa iyo ang taong gusto mo, o kung dapat pa bang ituloy ang isang relasyon? Kahit ano pa 'yang tanong mo sa pag-ibig, pwede kong masagot 'yan sa pamamagitan ng isang Free Tagalog Online Tarot Reading.

Bago mo punan ang form sa ibaba, basahin at intindihin munang mabuti ang mga sumusunod upang maisama ang iyong tanong sa aking mga sasagutin:

1. Isang tanong lang ang aking ia-accomodate kada isang tao sa loob ng isang buwan. Kung hindi mo na ma-access ang form, bumalik ka na lang sa susunod na buwan dahil nagamit mo na ang iyong slot. Ina-activate ko ang form kada unang araw ng bawat buwan.

2. Kung gagamit ka ng ibang email address para paulet-ulet na makatanggap ng libreng reading, malalaman ko rin 'yan dahil lagi kong chini-check ang list ng mga taong nagpapabasa sa akin.

3. Tandaan na kung mali o hindi kumpletong impormasyon (alyas o initials) ang iyong ibibigay sa akin, hindi tama o akma ang sagot na iyong matatanggap.

4. Pananatilihin kong pribado ang mga impormasyong iyong ibabahagi sa akin. Anumang impormasyon na ilagay mo sa form ay didiretso sa aking email, at ang sagot ko naman ay ipapadala sa email address na iyong ilalagay sa form (kaya siguraduhin na ito ay gumagana).

5. Sasagutin ko lang ang katanungan kung ito ay patungkol sa pag-ibig.

6. Paikliin ang tanong sa 250 characters. Hindi mo kailangang ikwento ang inyong sitwasyon.

Siguraduhing binasa at inunawang mabuti ang mga rules, at tama ang mga impormasyon ilalagay sa form na ito. Tandaan na mayroon ka lang isang tiyansa para magtanong kada buwan.