Mabisang Gayuma para Pabalikin ang Ex, Wakasan ang Pangangaliwa, o Paibigin ang Taong Gusto Mo

Paalala lang na hindi ko tinatanggap ang lahat ng request, lalo na kung masama ang intensyon.

Halimbawa, kung gusto mong maagaw ang taong may asawa o may karelasyon na, hindi ko tatanggapin ang request mo.

Pero kung malinis ang hangarin mo at alam mong walang masasaktan, paki-fill out lang ang form sa ibaba para sa libreng online consultation.

Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin ang form na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9


Mga Tanong at Sagot

1. Pwede bang komunsulta muna? Magkano?

Oo, libre lang ang consultation. Ito ang unang step bago ka magpagawa ng love spell.

Pero tandaan, hindi ko tatanggapin ang request kung makakasama ito sa’yo o sa ibang tao. Kapag hindi pwede ang sitwasyon mo, bibigyan kita ng ibang option tulad ng healing o detachment ritual para matulungan kang unti-unting matanggap ang sitwasyon at makalaya sa bigat nito.

2. May bayad ba ang magpagawa ng gayuma?

Kapag tinanggap ko ang request mo at ready ka nang magpatuloy, kailangan mong magbayad para sa mga materyales na gagamitin sa ritwal.

Isang beses ka lang dapat magbayad. Pagkatapos ma-settle ang payment, sisimulan ko agad ang ritwal.

Bibigyan din kita ng mga gabay para maiwasan ang mga bagay na pwedeng makasagabal sa proseso.

3. May kailangan ba akong gawing ritwal?

Wala. Ako ang gagawa ng ritwal para sa’yo.

Kailangan mo lang sundin ang mga gabay na ibibigay ko bago simulan ang proseso.

4. Kailan ko makikita ang effect?

Kapag nakipag-cooperate ang nagpapagawa ng ritwal, maaaring may makitang pagbabago sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.

BASAHIN: Kailan magkakaroon ng bisa ang gayuma?

5. Permanent ba ang effect ng gayuma?

Ang mga ritwal ko ay ginagawa sa loob ng isang buwan, kaya mas pangmatagalan ang epekto nito.

Pero depende pa rin sa sitwasyon kung gaano ito tatagal. Kung gagawa ka ng mga bagay na ayaw ng taong napaibig o napabalik sa’yo, maaari pa rin itong mauwi sa hiwalayan.

6. May masamang epekto ba ito sa akin?

Nagkakaroon lang ng masamang epekto kapag may masasaktan para lang makuha ang gusto mo.

Halimbawa, kung may karelasyon na pala ang taong gusto mong pabalikin o paibigin, hindi dapat ipilit ang ritwal.

Kaya bago ako tumanggap ng request, nagka-conduct muna ako ng psychic reading para malaman kung dapat pa ba itong idaan sa ritwal.

Kapag lumabas sa reading na pwede pa itong gawin, saka ko pa lang tatanggapin ang request mo.

Makakaasa ka rin na susundin ko ang tamang proseso para masigurong walang magiging masamang balik sa’yo.

BASAHIN: May masamang epekto ba ang gayuma?

7. Paano kung ginayuma ang ex ko kaya siya nakipaghiwalay?

Kapag nakita ito sa reading, pwede akong gumawa ng pangontra.

Tatanggalin nito ang impluwensya ng gayuma sa kaniya at poprotektahan siya para hindi na siya muling mabiktima nito.

Makakatulong din ito para maibalik ang dating sigla ng pagsasama ninyo, kung kaya pa itong ayusin sa pamamagitan ng ritwal.

8. Paano kung hindi ako makapunta sa ritwal?

Walang problema. Marami akong kliyente na nasa malalayong lugar, pero naging matagumpay naman ang mga ritwal na pinagawa nila.

Siguraduhin lang na tama ang pangalan at birthdate ng nagpapagawa at ng taong paggagawan ng ritwal.