Powered by Blogger.



Gayuma, Ritwal, o Orasyon sa Pag-ibig : Mga Tanong at Sagot



Sa loob ng mahigit isang dekada kong paggawa ng ritwal o orasyon para sa pag-ibig (gayuma), marami na akong natulungan na mabuo ang nawasak na pamilya, at matupad ang kahilingan ng isang tao na mapaibig niya ang babae o lalaking minamahal. Kaya naman nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga natutunan ko sa larangang ito upang mabigyan ng kasagutan ang mga pangunahing tanong patungkol sa paksang ito.

Totoo ba ang gayuma?

Nagiging epektibo o mabisa lang ito kung ito ay ginawa ng isang taong may angking kakayahan sa paggawa ng mga ritwal at orasyon. Malalaman mo na nabibilang ka sa kanila kung iyong sinubukan nang gumawa nito, at karamihan sa mga ito ay nagkaroon ng magandang resulta. Maaaring namana mo ito mula sa kadugo kahit pa ito ay lingid sa iyong kaalaman.

Ganunpaman, kung wala ka pang sapat na kaalaman, at karanasan sa paggawa ng mga ritwal o orasyon para sa gayuma, maging maingat sa mga “libreng ritwal o orasyon” na iyong matatagpuan sa internet sapagkat maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa iyo, at ilan sa mga iyan ay ang mga sumusunod:
  1. Makaakit ka ng mga masasamang ispirito na maggulo sa iyo.
  2. Mas lumayo pa ang taong ginagawan mo nito, o ikaw pa itong maghabol o mahumaling sa kaniya.
  3. Makontra ito ng iyong ginagawan kaya wala rin itong maging bisa, at magkaroon pa ito ng masamang balik sa iyo.
Tandaan na may tamang ritwal na dapat sundin upang makasiguro na wala itong magiging masamang epekto sa gagawa nito. Kaya naman mas maganda kung kokonsulta lamang sa mga eksperto sa larangang ito.

Kung lalapit sa isang manggagayuma, kailangan na maging maingat pa rin lalo na ngayong marami ng taong nagsulputan na nag-aalok ng serbisyo na ito na ang tanging hangad lamang ay ang makapanloko. Tiyakin na iyong kikilalanin munang mabuti ang iyong pagagawan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga “reviews” ng kaniyang mga naging kliyente. Huwag lang basta maniwala sa mabubulaklak na salita.

Paano gumawa ng gayuma?

Ito ay isang offering ritual na aking isinagawa para sa ilang kliyente na nagpagawa ng gayuma.

Kung iniisip mo na ang gayuma at love potion ay iisa, nagkakamali ka dahil isa lang iyan mula sa maraming paraan ng panggagayuma.

Mayroong ding mga ritwal o orasyon na maaaring isagawa kahit pa malayo mula sa iyo ang iyong gagayumahin, o wala kang tiyansa na malagyan ng love potion ang kaniyang pagkain o inumin. Ito ay ang mga sumusunod:
Kung nais mong matuto na gumawa ng gayuma, maaari kang pumunta sa aking Youtube Channel: https://www.youtube.com/channel/UCugbjDbknFisCvdkQaUgszw

Ano ang magiging epekto ng gayuma sa taong gagawan nito?

Kung nagawa ito na sumusunod sa tamang proseso, magiging mataaas ang tiyansa na ito ay umepekto at walang maging masamang balik sa gumawa nito.

Kung hindi masusunod ang tamang pamamaraan, ilan lang ang mga sumusunod sa magiging masamang epekto sa taong ginagayuma:
  1. Maging pabaya ito sa kaniyang sarili, halimbawa na lang ay mawalan ng gana sa pagkain, na mauwi sa kaniyang pagkakasakit.
  2. Masyado itong mahumaling sa iyo kaya makagawa ito ng mga bagay na makasasakit, at maaaring ding makapaglalagay sa iyong buhay sa alanganin.
  3. Mapabayaan din nito ang mga sarili niyang prayoridad kagaya ng kaniyang trabaho at pamilya dahil sa iyo na lang iikot ang kaniyang mundo.
  4. At maging panandalian lang ang epekto nito dahil minahal ka lang niya dahil sa gayuma.
Upang maiwasan ang mga ito, kailangan munang basahin sa pamamagitan ng mga divination tools kagaya ng tarot cards, o magsagawa ng iba pang divination methods kung hindi ba ito magkakaroon ng negatibong epekto sa gagayumahin.

Gaano katagal ang bisa ng gayuma?

Tumatagal ang bisa ng isang gayuma sa pag-ibig kung naisagawa ito nang maayos, at kung may nararamdaman ding pagkagusto o pagmamahal ang isang lalaki o babae sa manggagayuma sa kaniya.

Kung hindi sumunod sa tamang proseso, magiging panandalian lang ang epekto nito, at kagaya ng aking sinabi, magkakaroon ng hindi magandang epekto sa gagawa at gagawan ng gayuma.

Kung pinilit naman na gawan ng ritwal o orasyon ang isang taong wala namang nararamdaman para sa iyo, maaari pa rin naman itong mapaibig sa pamamagitan ng ritwal o orasyon ngunit asahang mabilis din itong mawawalan ng bisa, at tiyak na magkakaroon ng masamang epekto sa iyo.

May panlaban o pangontra ba sa gayuma?

Kahit pa hindi siya nagmamay-ari ng isang pangontra sa gayuma, hindi ito tatalab sa kaniya kung hindi siya karapat-dapat para dito.

Kung may pagmamahal o pagkagusto siya sa gagawa, maaari pa rin siyang tablan ng gayuma kahit pa siya ay nagtataglay ng mabisang pangontra. Mangyayari lang iyan kung may kakayanan din ang gagawa ng gayuma na pawalan ng bisa ang kaniyang pangontra.

Kagaya ng aking sinabi, makabubuti na magsagawa muna ng isang divination method upang hindi masayang ang enerhiya at salaping gagamitin para sa ritwal.
Share This
7 comments:

404

We Are Sorry, Page Not Found

Apologies, but the page you requested could not be found.

Home