Simple ngunit pinakamabisang gayuma upang mapaibig ang lalake o babaeng gusto, o mapabalik ang minamahal. Gawin ito ala sais ng hapon, o alas-dose ng hatinggabi tuwing Biyernes sa lugar na hindi mahangin, at walang makakakita sa iyo. Tandaan na walang sinuman ang dapat na makaalam ng iyong gagawin.


GAYUMA SERVICES


Gawin ito ala sais ng hapon, o alas-dose ng hatinggabi tuwing Biyernes sa lugar na hindi mahangin, at walang makakakita sa iyo.

Tandaan na walang sinuman ang dapat na makaalam ng iyong gagawin.

Mga Kailanganing Kagamitan:
  • 1 puting kandila
  • 1 piraso ng papel
  • panulat
  • asin
Proseso:

1. Gawin ang buong ritwal na nakaharap sa silangan, o sa direksyon na sinisikatan ng araw.

2. Isulat ang buong pangalan ng iyong gagayumahin sa buong papel. Kung alam ang araw ng kaniyang kapanganakan, isulat yan sa ibaba ng kaniyang buong pangalan. Kung hindi naman, maaari kang gumamit ng kaniyang larawan. Ilapag ito na nakatapat sa iyo.

3. Palibutan ng asin ang papel na may buong pangalan, o larawan ng lalake, o babaeng gusto mong paibigin o paamuhin. Magsimula sa itaas na bahagi na umaayon sa ikot ng orasan, o clockwise.

4. Gamit ang anumang matulis na bagay, isulat sa kandila ang iyong buong pangalan, at araw ng kapanganakan simula sa ibabang bahagi nito patungong mitsa, at sindihan ito, at itirik sa ibabaw ng papel na may buong pangalan, o litrato ng ginagawan ng gayuma.

5. Paulit-ulit na ibulong ang kaniyang pangalan. Kung hindi alam ang pangalan, isipin na ginagawa niya ang iyong gusto.

Balikan ang kandila kung ito ay ubos na, at ilagay sa isang malinis na garapon ang mga natira sa ginamit sa ritwal at takpan ito. Itago ito sa lugar kung saan walang makakakita sa kaniya.

Kung may matitira sa kandila, kailangan na ulitin ang ritwal sa susunod na Biyernes ng ala sais ng hapon, o alas dose ng hatinggabi. Kung wala naman, huwag na itong ulitin pa.

Kapag tapos na ang ritwal, asahan na makakakita ka ng resulta sa loob ng isang linggo.

Kung hindi tatalab ang ritwal, o magkakaroon ng negatibong epekto sa iyo, komunsulta lamang sa isang taong may karanasan sa larangang ito.