Gayuma Spell para Bumalik o Mapasunod ang Taong Minamahal
Maaari mong gawin ang gayuma at orasyon na ito kung nais mong mapasunod ang tao, pabalikin ang kasintahan o asawang nang-iwan, o patinuin ang mahal ninyong kasintahan o asawang nagloloko.
Mga Kakailanganin:
- 🕯️ garapon
- 🕯️ kapiraso ng papel
- 🕯️ ballpen
- 🕯️ permanent marker
- 🕯️ laurel
- 🕯️ cloves
- 🕯️ cinnamon
- 🕯️ chili powder
- 🕯️ asukal
- 🕯️ pulang kandila
- 🕯️ posporo
Proseso:
- Gawin ang spell na ito sa isang pribadong lugar, at dapat na walang makakaalam ng iyong gagawin.
- Kung nais na maging mas malakas ang bisa nito, gawin ito sa araw na papalaki ang buwan o sa kabilugan nito.
- Isulat sa kapiraso ng papel ang buong pangalan at araw ng kapanganakan ng gagawan ng ritwal. I-rolyo ang papel na papalapit sa iyo.
- Habang hawak ang papel, banggitin ang pangalan ng iyong minamahal ng pitong beses.
- Huminga nang malalim, at ihipan ang papel ng pitong beses, at ilagay ito sa loob ng garapon.
- Ihalo dito ang laurel, cloves, cinnamon stick, chili powder, at asukal.
- Ipatong ang iyong mga palad sa ibabaw ng garapon. Habang ginagawa ito, inuusal ang orasyon na ito:
Cor et animus (Pangalan ng Target) ad me trahantur, sicut ferrum ad magnetem. Sic fiat.
- Huminga nang malalim, at dahan-dahang ihipan ng pitong beses ang loob ng garapon, at isara ito.
- Isulat ang iyong buong pangalan sa labas ng garapon.
- Kalugin ang garapon nang paulit-ulit habang iniisip o binabanggit ang iyong kahilingan.
- Magsindi ng pula o puting kandila. I-seal ng wax ng kandila ang paligid ng takip ng garapon.
- Tirikan ito ng puti o pulang kandila tuwing gabi hanggang sa mangyari ang iyong gusto.
Kapag natupad na ang iyong kahilingan, itago ito sa lugar kung saan walang makakakita dito.
Kumonsulta sa Mapagkakatiwalaan Manggagayuma Upang Makasiguro
Ang libreng ritwal at orasyon ay madalas walang katiyakan at maaaring makasama pa sa iyo. Kumonsulta sa isang may karanasan sa panggagayuma upang malaman kung makakatulong ito sa iyong sitwasyon at upang maiwasan ang hindi inaasahang epekto.